Ipinahayag kamakailan ng Industry and Information Technology Ministry, at National Development and Reform Commission ng Tsina, na pasusulungin ng bansa ang papel ng teknolohiyang pang-impormasyon sa larangan ng konsumo, para pabilisin ang pag-unlad ng mga may-kinalamang industriya.
Hinggil dito, itinakda ng nasabing dalawang departamento ang "Plano hinggil sa Pagpapalawak ng Konsumong Pang-impormasyon sa taong 2018-2020."
Ayon sa plano, tinatayang aabot sa 6 trilyong RMB ang halaga ng konsumo sa pamamagitan ng teknolohiyang pang-impormasyon sa taong 2020.
Ayon sa estadistika, umabot sa 4.5 trilyon ang naturang halaga, noong 2017.