United Architects of the Philippines—Shanghai
|
Sina Alex de Dios (kaliwa) at Edgardo Budoy (kanan), Pangulo ng Shanghai chapter ng United Architects of the Philippines
Ang episode ngayong linggo ng Mga Pinoy sa Tsina ay tungkol sa isang professional group ng mga arkitekto. Itinatag taong 2005 ni Architect Edgardo Budoy ang Shanghai chapter ng United Architects of the Philippines. Sa programa ibinahagi ni Arch. Budoy kasama ang miyembro nitong si Arch. Alex de Dios ang mga layunin ng samahan at kung ano ang bentahe nito para sa kanilang propesyon habang nagtatrabaho sa Tsina. Bukod dito, ibinahagi rin ng dalawang arkitekto ang kanilang mga palagay hinggil sa pagbabago at pagbubukas sa labas ng Tsina, kung saan katuwang sa mga adhikaing pangkaunlaran ng bansa ang mga tulad nilang arkitekto.