Nanning, punong lunsod ng Rrehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina — Idinaos Huwebes, Setyembre 13, 2018, ang Ika-6 na China-ASEAN Logistics Cooperation Forum. Dumalo sa porum ang mga eksperto ng lohistiko at kinatawan ng mga bahay-kalakal mula sa Tsina at mga bansang ASEAN na gaya ng Biyetnam, Thailand, at Singapore.
Tatalakayin sa porum ng mga kalahok, pangunahin na, ang hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng lohistiko sa pagitan ng Tsina at ASEAN para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa larangan ng lohistiko.
Sapul noong 2010, limang beses ang matagumpay na naidaos ang nasabing porum. Ito ay isa sa mga kilalang porum sa China-ASEAN Expo (CAExpo).
Salin: Li Feng