Dan's Way, hatid ay mga kwentong aantig sa damdamin at tatatak sa isipan ng mga manonood
|
Ang Dan's Way ang kauna-unahang large-scale documentary na nakatuon sa pagpapalitang kultural at kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Poster ng Dan's Way
Itinuturing bilang kauna-unahang cultural documentary at tunay na cultural tourism, ang Dan's Way ay nagtatampok sa kilalang TV personality ng Tsina na si Zhu Dan bilang host at alok ay bago at naiibang Chinese travel documentary. Ang Season 1 ng Dan's Way ay nakapokus sa Indonesia. 10 kwento ng mga kababaihan ang mapapanood, kasama ang Legong Dance proponent na si Raka Rasmi, Robin Lim, founder ng Mother Earth Foundation na nag-aaruga sa mga buntis sa Bali, at ang armless photographer na si Rusidah Badawi.
Seminar hinggil sa Dan's Way
Ang Dan's Way ay produksyon ng Beijing Eleven Media Co. Ltd sa pakikipagtulungan sa China Central Fund of News Documentary Film, Shanghai Dragon Lord Pictures Co. Ltd at production company ni Zhu Dan. Ayon sa plano, mapapanood ang dokyu sa Oktubre 2018 sa kapwa traditional at new media platforms sa Tsina. At inaasahang ipalabas sa ibang bansa sa hinaharap.
Si Chen Dehai, Pangkalahatang Kalihim ng China-ASEAN Center
Si He Ying, Vice Mayor ng Nanning Municipal Government
Si Tomasito Umali, Tourism Attache ng Department of Tourism sa Beijing
Si Counselor Rukmini Tri Setiati ng Pasuguan ng Republika ng Indonesia sa Beijing
Si Wang Enqin, Manager ng Singapore Tourism Board
Upang ipakilala sa mga diplomatang ASEAN at media experts ang Dan's Way, ginanap sa Crowne Plaza Sun Palace Beijing, kamakailan ang soft launch ng cultural docu bilang bahagi ng China-ASEAN Cultural Exchange. Pakinggan ang reaksyon ng mga diplomatang Tsino at ASEAN hinggil sa nasabing cultural docu.