FilComBei: Tulong sa kapwa, Pusong pangkawanggawa
|
Setyembre 15, 2018 nanalanta ang bagyong Ompong sa Pilipinas, 95 katao ang namatay at itinatayang P14.27 bilyon ang halaga ng nasirang imprastruktura at agrikultura sa Cagayan Valley at Cordillera Administative Region.
Bingo for Charity, ang unang event ng FilComBei pagkaraang pormal na ipakilala sa Philippine Embassy. Dumalo at nakisaya si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana sa pagtitipong ito.
Pista sa Nayon, sama-samang sinubukan ng mga dumalo ang mga larong Pinoy. May pa-premyo din at sinamahan pa ng simpleng salu-salo.
Upang magbigyan tulong sa mga kababayang naapektuhan ng bagyo, isinagawa ng grupong Filipino Community in Beijing (FilComBei) ang donation drive. Mula sa nakahandang Tulong Fund na nagkakahalaga ng 3,000RMB (P20,000) na nakalap sa naunang charity gathering na Pista sa Nayon, ipinaalam ng grupo ang panawagan para sa karagdagang donasyon.
Official Receipt ng Philippine Red Cross sa donasyon ng FilComBei
Sa loob ng 48 oras, dagsa ang mga rumispunde mula sa iba't ibang WeChat chat groups sa Beijing. At pagkatapos ng dalawang araw nakalikom ang FilComBei ng kabuuang 12,030RMB (P94,850) at ibinigay ito ng grupo sa Philippine Red Cross.
FilComBei core members na sina Zun Wu (kaliwa), Cherelyn Lom, Bibian Pacayra (kanan), at Machelle Ramos (nakaasul)
Ang episode ng Mga Pinoy sa Tsina ay magtatampok sa mga miyembro ng core group ng FilComBei na sina Cherelyn Lom, Bibian Pacayra, Zun Wu at Machelle Ramos. Malalaman sa interview ang kwento kung paano nabuo ang grupo at ang mga charity events na kanilang isinagawa upang makatulong sa mga kababayan at kaibigang nasa Beijing at maging ang mga naroon sa Pilipinas.