Consul General Marshall Louis Alferez: Masiglang pagpapalitan at mabungang pagdadalawan ng panig Tsino at Pilipino

(GMT+08:00) 2018-10-19 15:01:54       CRI2018-10-19 15:01:55

 

Ipinahayag ni Consul General Marshall Louis Alferez ng Philippine Consulate General sa Guangzhou, sa programang Mga Pinoys sa Tsina, na ang China ASEAN Expo (CAEXPO) ay isang importanteng plataporma para masubukan ng mga negosyanteng Pilipino ang kanilang mga produkto at makita ang reaksyon ng merkado sa Tsina.

Consul General Marshall Louis Alferez: Masiglang pagpapalitan at mabungang pagdadalawan ng panig Tsino at Pilipino

Si Consul General Marshall Louis Alferez ng Philippine Consulate General sa Guangzhou

Sinabi niyang minabuti ng gobyerno ng Pilipinas na bawat taon ay palakahin ng palakahin ang partisipasyon ng mga Pilipinong negosyante. Masaya siyang ngayon taon malaki ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng 72 negosyante mula sa iba't ibang lalawigan ng Pilipinas. Sa unang pagkakataon at may sariling pavillion ang Pilipinas sa Nanning International Convention and Exhibition Center. Magandang pagkakataon ang CAEXPO aniya pa, para makita ng publiko ng Tsina kung ano ang pwedeng ialok ng Pilipinong negosyante sa kanila.

Consul General Marshall Louis Alferez: Masiglang pagpapalitan at mabungang pagdadalawan ng panig Tsino at Pilipino

Si ConGen Alferez (kaliwa), kasama si Mac Ramos (kanan) ng China Radio International

Pahayag pa ni ConGen Alferez na pangatlong dalaw na niya ngayong taon sa Nanning. At sa bawat pagdalaw ay namamangha siya sa pag-unlad ng syudad. Alamin ang ilan pang bunga ng masiglang pagpapalitan ng panig Pilipino sa mga lalawigan sa Tsina na kanyang kinasasakupan sa panayam ni Mac Ramos ng China Radio International.

404 Not Found

404 Not Found


nginx/1.26.1