Pagtutulungan ng Tsina't Gresya sa ilalim ng Belt and Road Initiative, susulong

(GMT+08:00) 2018-10-20 20:07:09       CRI2018-10-20 20:07:10

Sa sidelines ng Ika-12 Asia-Europe Meeting Summit (ASEM) na idinaos nitong Biyernes, Oktubre 19, sa Brussels, Belgium, nagtagpo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Alexis Tsipras ng Gresya.

Pagtutulungan ng Tsina't Gresya sa ilalim ng Belt and Road Initiative, susulong

Nagkasundo ang dalawang punong ministro na bilang dalawang bansang may mahabang kasaysayan at sibilisasyon sa silangan at kanluran, may mahalagang katuturan ang kanilang diyalogo at pagtutulungan. Nakahanda ang dalawang sinaunang sibilisadong bansa na pasulungin ang pagtutulungan sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) sa larangan ng imprastruktura, agrikultura, at iba pa para maisakatuparan ang komong kasagananan sa bagong panahon.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Not Found!(404)