Tarlac
Tarlac
|
Sa nakaraang 15th China ASEAN Expo na ginanap sa Nanning, Guangxi itinatampok ang lalawigan ng Tarlac bilang City of Charm.
Mga opisyal ng Pilipinas at Tsina na kalahok sa Philippine Promotion Conference ng ika-15 CAEXPO
Bilang bahagi ng delagasyong Pilipino na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry-Center for International Trade and Expositions (DRI-CITEM), ipinakilala ni Tarlac Governor Susan Yap ang mga umuunlad na industriya, pagkakataon para sa pamumuhunan at sektor ng turismo sa potential Chinese investors and businessmen.
Si Governor Susan Yap ng Lalawigang Tarlac
Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino nitong Setyembre 13, 2018 sa Philippine Promotion Conference, sinabi ni Governor Susan Yap gusto niyang ipakilala ang New Clark City. Ayon sa plano ito ay gagawing isang well-planned community at isang hub. Dagdag niya ang New Clark City ang magiging host ng 2019 Southeast Asian Games.
Si Sec. Raul L. Lambino, Administrator and Chief Executive Officer ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA)
Samantala, 7 investment promotion agencies ng Pilipinas ang lumahok sa Philippine Investment Promotion Conference na ginanap sa 15th China ASEAN EXPO ngayong taon. Hangad nilang masulit ang nasabing plataporma upang madagdagan ang pamumuhunan ng mga Tsino sa Pilipinas. Ibinahagi ni Sec. Raul L. Lambino, Administrator and Chief Executive Officer ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ang makulay na kasaysayan ng ugnayang Sino-Pilipino na nagsimula sa panahon ni Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming ng Tsina at ang direksyong tinatahak nito sa panahon ng Belt and Road Initiative ngayong 2018.