MS3 Agri-Ventures Corp.
|
First time ng MS3 Agri-Ventures Corp. na makipagsapalaran sa Ika-15 CAEXPO. Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino, sinabi ni Niel Santillan, CEO at Managing Director ng kumpanya nais nilang ipakilala ang iba't ibang produkto mula sa cacao.
Si Niel Santillan, CEO at Managing Director ng Agri-Ventures Corp.
Kinapanayam ni Mac Ramos (kanan) ng Serbisyo Filipino si Niel Santillan (kaliwa)
Dating mga OFW sa Qatar ang grupong nasa likod ng batang-batang start-up company na MS3, naitatag ito noong 2016. 80% ng cacao production sa Pilipinas ay mula sa Mindanao kaya naisip nilang malaki ang potential nito bilang export product. Mahirap ibenta ang raw cacao, kaya gumawa ang MS3 ang iba't ibang produkto ng tsokolate gaya ng dark chocolate, chocolate nibs, cacao tea at couverture chocolate para ibenta sa Pilipinas at ibang bansa gaya ng Qatar at New Zealand. Ngayon, sa pamamagitan ng CAEXPO susubukin nila kung papatok ang mga tsokolate ng MS3 sa mga Tsino. Hangad nilang makahanap ng partner na Tsino para magtuloy-tuloy ang planong expansion ng kumpanya gaya sa pagbili ng packaging equipment dahil sa mataas na demand ng kanilang mga produkto sa loob at labas ng bansa.
Mga produkto ng MS3 Agri-Ventures Corp. na itinanghal sa 15th CAEXPO
Ang buong panayam ay mapapakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina.