Kinatagpo nitong Biyernes sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Punong Ministro Andrej Plenkovic ng Croatia. Nagkaisa silang pasusulungin ang pagkakaroon ng bagong progreso ng komprehensibong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Sina Premyer Li (kanan) at Punong Ministro Plenkovic (kaliwa)
Nakahanda rin ang dalawang punong ministro na pahigpitin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga larangan ng paggawa ng bapor, konstruksyon ng daambakal, palakasan, turismo at iba pa.
Si Punong Ministro Plenkovic ay lalahok sa kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) na gaganapin mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 10, 2018, sa Shanghai.
Sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo rin ni Premyer Li sina Pangulong Salvador Sanchez Ceren ng El Salvador at Pangulong Danilo Medina ng Dominican Republic, na kalahok sa idaraos na CIIE.
Sina Premyer Li (kanan) at Pangulong Salvador Sanchez Ceren (kaliwa)
Sina Premyer Li (kanan) at Pangulong Danilo Medina (kaliwa)
Salin: Jade