Family's Sardines at JIDA Bottled Bangus in Corn Oil, patok sa Nanning
|
Sa episode ngayong araw ibabahagi po namin ang panayam kay Dr. Leoncio Kaw Jr. ng Universal Canning na gumagawa ng Master's at Family's sardines.
Si Dr. Leoncio Kaw Jr. ng Universal Canning Inc.
Sa Pilipinas kilalang brand ang Master's sardines. Pero ilang taon na ring sinusubukan ng kumpanya ang makapasok sa pamilihang Tsino. Isang paraan ang China-ASEAN Expo (CAEXPO) upang maisakatuparan ang layuning ito, ayon kay Dr. Leoncio Kaw Jr. ng Universal Canning Inc.
Booth ng Universal Canning Inc. sa 15th CAEXPO
Mula noong 2016, lumilipad tungong Nanning, Guangxi ang kanilang grupo upang lumahok sa CAEXPO. Matagumpay naman ang bawat pagsali dahil mabiling-mabili ang Family's Brand sardines, kanilang product line para sa Tsina.
Upang mahuli ang panlasang Tsino, dinebelop ng kumpanya ang fried sardines in oil at fried sardines in black soy bean o tausi. Nadiskubre din nilang hilig ng mga Tsino ang maanghang na uri ng sardinas, ibang iba sa nakagawiang sardines in tomato sauce sa Pilipinas.
Sa episode pakinggan kung ano ang mga natutunan niya sa pagsali sa CAEXPO at paano niya ginamit ang kilalang application na WeChat Wallet para mas maging madali ang transaction sa Tsina.
Si Jilna Hiponia
Samantala, ikalawang beses naman ni Jilna Hiponia sa CAEXPO. Ayon sa kanya napakalaki ng oportunidad para i-market ang bangus sa Tsina. Bago sa panlasang Tsino ang national fish ng na ipinagmamalaki ng mga Pinoy.
4 na variants ng bangus in corn oil ang alok ng JIDA Aqua Resources, may hot and spicy, salted black bean o tausi, classic at tomato sauce. Sa mga ito tinatangkilik ng mga Chinese buyers ang hot and spicy at ang tausi variants. Pero bukod sa bottled bangus, may demand din para sa frozen milk fish. At ito ang isa sa pinagtutuunan ng kumpanya ni Ms. Hiponia kung paano sisimulan ang pagsu-supply sa Tsina.
Ang iba pa niyang mga payo sa kapwa negosyante na nais pasukin ang pamilihang Tsino ay mapapakinggan sa Mga Pinoy sa Tsina.