Ping Pong para sa Pagkakaibigan ng mga Pinoy at Tsino
|
Ginanap kamakailan ang Ika-4 na China-Philippines Youth Table Tennis Friendly Match kamakailan sa Capital University Physical Education and Sports (CUPES), Beijing. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Li Yingchuan, Pangalawang Direktor ng Pambansang Kawanihan ng Palakasan ng Tsina at Pangalawang Tagapangulo ng Chinese Olympic Committee, Zhong Bingshu, Pangulo ng CUPES, Winston Dean Almeda, First Secretary at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina, Philippine Youth Table Tennis Exchange Group na pinamumunuan ni Stephen Techico, Pangulong Pandangal ng Federation of Filipino Chinese Association of the Philippines (FFCAP), at mga iba pang personahe sa larangan ng palakasan ng Tsina.
Sa seremonya ng pagbubukas, sa ngalan ni Ambassador Jose Santiago Santa Romana, binati ni Consul Almeda ang matagumpay na pagdaraos ng aktibidad. Aniya, noong dekada 70, ang Ping Pong Diplomacy ay itinuring na tulay para mapahigpit ang pag-uunawaan sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos. Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy ng mga kabataan sa bagong henerasyon ang ganitong diplomasya para mapalalim ang pag-uunawaan, at mapahigpit ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas.
Si Winston Dean Almeda, First Secretary at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina
Dagdag pa ni Almeda, sa loob ng kasalukuyang buwan, dadalaw sa Pilipinas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ito aniya ang kauna-unahang dalaw-pang-estado ng pangulong Tsino nitong nakalipas na 13 taon, at nagpapakita ng malalimang pagkakabigan ng dalawang bansa. Hinimok niya ang mga kasali sa nasabing aktibidad na samantalahin ang pagkakataong ito para mapalalim ang relasyong Sino-Pilipino.
Sina Stephen Techico (kaliwa), Pangulong Pandangal ng Federation of Filipino Chinese Association of the Philippines (FFCAP), at Li Yingchuan (kanan), Pangalawang Direktor ng Pambansang Kawanihan ng Palakasan ng Tsina
Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Stephen Techico na nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng pamumuno ng mga lider ng Tsina at Pilipinas, pumasok sa bagong panahong historikal ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at maaaring bigyang-ambag ng mga karaniwang mamamayan na tulad niya ang kooperasyong pangkaibigan ng kapuwa panig.
Ani Techico, ang pagkakaibigang pangkapitbansa ay paunang kondisyon ng kooperasyon at kaunlaran. Ang Pilipinas ay hindi lamang unang hinto sa labas ng timog na pinto ng Tsina, kundi mahalagang hub din sa kahabaan ng Belt and Road. Umaasa aniya siyang makakatulong ang Pilipinas sa pag-unlad ng estratehiya ng Belt and Road, at hahanapin ang kooperasyon at komong kaunlaran.
Mga paddlers mula sa Pilipinas, Tsina at Hapon
Nang araw ring iyon, isinagawa ng mga batang paddlers na Pinoy at Tsino mula sa CUPES ang paligsahang pangkaibigan. Isang aktibidad ng pagpapalitan ang ginanap din Linggo ng hapon sa pagitan ng mga table tennis team na Pinoy, Peking University ng Tsina at Meiji University ng Hapon.
Ang highlights ng opening ceremony ay tampok sa programang Mga Pinoy sa Tsina kasama ring mapapakinggan ang mga pahayag ni Carlyn Cruz, young Pinoy Paddler at maging ang world champion ng Tsina na si Liu Wei.