Bagahe
|
Ang Bagahe ay isang award winning film ni Zig Madamba Dulay. Nanalo ito ng Best Screenplay at Best Actress sa Cinemalaya 2017 Film Festival at nakuha nito ang Jury Award sa Asiatica Film Festival noong October 2017 sa Italya. Itinanghal sa Philippine Embassy sa Beijing ang pelikulang Bagahe nitong Nobyembre 30, 2018.
Inanyayahang dumalo sa film screening ang mga Philippine Studies students mula sa Peking University at Beijing Foreign Studies University.
Si Consul General Frank Olea
Sa kanyang mensahe, inilahad ni Consul General Frank Olea na ang akitibidad ay naglalayong itaas ang kamalayan hinggil sa pagpigil sa karahasan sa mga kababaihan. Ang buwan ng Nobyembre aniya ay campaign month ng nasabing adbokasiya at ang Nobyembre 25 kada taon ay Ending Violence Against Women Day. Napapanahon aniya pa ang pelikulang Bagahe dahil ito ay tungkol sa mga OFW. Ang psychological at socio cultural impact ng pagkawalay sa pamilya ay maituturing na emotional at psychological baggage.
Si Li Zhoumeng o Liz, estudyante ng Philippine Studies ng Beijing Foreign Studies University
Si Cui Qianxun o Tracy, estudyante ng Philippine Studies ng Beijing Foreign Studies University
Si Hu Xinyi o Wendy, estudyante ng Philippine Studies ng Peking University
Si Wang Yue o Christine, estudyante ng Philippine Studies ng Peking University
Si Ye Jingtong o Sylvia, estudyante ng Philippine Studies ng Peking University
Pakinggan ang reaksyon ng mga college students na Tsino sa pelikulang Bagahe.