Global Compact on Refugees, pinagtibay ng Pangkalahatang Asamblea ng UN

(GMT+08:00) 2018-12-19 16:24:59       CRI2018-12-19 16:25:00

Lunes, Disyembre 17, 2018, pinagtibay ng ika-73 Pangkalahatang Asamblea ng UN ang Global Compact on Refugees. Layon nitong tulungan ang iba't ibang bansa na mas mainam na harapin ang krisis ng malawakang pagkawala ng tahanan at problema sa refugee.

Umaasa ang nasabing dokumento na daragdagan ng mga pamahalaan at pribadong sektor ang pamumunuhan para resolbahin ang isyu ng mga refugee, samantalang palalakasin ang konstruksyon ng imprastruktura, at ipagkakaloob ang hosting service na nakakapaghatid ng benepisyo sa mga refugee.

Humiling din ang dokumento na itakda ang patakaran at hakbangin, para maigrantiyang tatanggap ng edukasyon at hindi magkakaroon ng kakulangan sa pagkain at gamit ang mga refugee. Walang bisang pambatas ang dokumentong ito.

Salin: Vera