Pormal na sinimulan ang rehistrasyon para sa ika-4 na national economic census ng Tsina. Ito ay pagsusuri sa kabuhayan ng bansa. Tinukoy ng mga dalubhasa na ang bunga ng national economic census ay magkakaloob ng mahalagang pagkatig sa pagbalangkas ng mga prinsipyong pangkabuhayan ng Tsina.
Mula unang araw ng taong 2019, sa loob ng 4 na buwan, mahigit dalawang milyong census enumerator ang magsasagawa ng rehistrasyon sa lahat ng iba't ibang kompanya at self-employment venture. Ang nilalaman ng census ay kinabibilangan ng saligang kalagayan, estruktura, kita ng mga empleyado, kakayahan sa produksyon, kalagayan ng pinansiyo, pagtakbo at serbisyo at iba pa.
Isinalaysay ni Jin Rui, census enumerator ng Panlong District ng Lunsod ng Kunming ng Lalawigang Yunnan na mahigpit na ipaglilihim ang may kinalamang impormasyon ng census, at ang mga ito ay hindi maaating gamiting ebidensyal sa korte at basehan ng kapansahan.
Pumasok na ang kabuhayan ng Tsina sa bagong panahon, at walang tigil na umuunlad ang bagong tagapagpasulong na puwersa. Isinalaysay ni Dong Lihua, Direktor ng Sentro ng Ika-4 na National Economic Census ng State Statistic Bureau ng Tsina na daragdagan ang bagong nilalaman ng census na ito.
Ang mga impormasyon sa loob ng account ng iba't ibang bahay-kalakal ay iipunin sa big data ng buong bansa, at ito ay magkakaloob ng pansiyensiyang sangguni para sa pagpapabuti ng makro-kontrol ng kabuhayan, pagbalangkas ng plano ng pag-unlad sa mahabang panahon, at pagpapasulong ng modernisasyon sa pamamahala ng bansa. Ang pagiging totoo ng mga datos ay target ng census na ito.
Isinasagawa kada limang taon ang national economic census ng Tsina. Ang unang 3 census ay ginawa noong 2004, 2008, at 2013. Ayon sa plano, ang taong 2019 ay panahon ng pagsusuri, at ipapalabas ang resulta at isasagawa ang pananaliksik sa 2020.
Salin:Lele