Tesla Gigafactory, sinimulan ang konstruksyon sa Shanghai

(GMT+08:00) 2019-01-08 11:30:15       CRI2019-01-08 11:30:16

Sinimulan Enero 7, 2019, ang konstruksyon ng Tesla Gigafactory sa Lingang Industry Area ng Shanghai, Tsina. Ito ang pinakamalaking manufacturing project mula sa dayuhang pondo sa Shanghai, at ito rin ang kauna-unhang Tesla Gigafactory sa labas ng Amerika.

Ayon sa plano, 860 libong metrong kuwadrado ang saklaw ng pasilidad at 50 bilyong yuan RMB (7 bilyong dolyares) ang kabuuang pamumuhunan ng proyekto.

Noong 2017, ang halaga ng pagbebenta ng Tesla sa pamilihan ng Tsina ay lumampas sa 2 bilyong dolyares, at ang Tsina ay naging pinakamalaking pamilihan ng Tesla sa labas ng Amerika. Noong 2018, inalis ng Tsina ang limitasyon ng proporsyon ng share ng dayuhang pondo sa mga sasakyan ng bagong enerhiya, at ang nasabing Tesla factory ay naging unang pabrikang buong pag-aari ng dayuhang kumpanya.

Salin:Lele