Kinatagpo Enero 9, 2019 sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Elon Musk, CEO ng TESLA Corporation ng Amerika.
Ipinahayag ni Premyer Li ang pagbati sa itinatayong pabrika ng TESLA sa Shanghai, Tsina. Aniya, bilang kauna-unahang proyektong pinapatakbo ng buong pondong dayuhan sa larangan ng sasakyan de motor sa pamamagitan ng malinis na enerhiya, inaasahang magiging puwersa ang TESLA sa pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, at pangangalaga sa matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano. Ipinahayag naman ni Musk na magsisikap ang kanyang kompanya para itatag ang Shanghai TESLA bilang isa sa mga pinakamaunlad na pabrika sa daigdig, at ibibigay nito ang mga produktong angkop sa pangangailangan ng pamilihan ng Tsina, para maisakatuparan ang win-win cooperation na may mutuwal na kapakinabangan.