PhilCham Shanghai, isusulong ang Pinoy entrepreneurial spirit
|
Idinaos sa Shanghai nitong Enero 19 ang inaugural event ng Philippine Chamber of Business and Professionals–Shanghai o PhilCham Shanghai.
Mga dumalo sa launching event ng PhilCham Shanghai
Kasapi sa grupo ang mga Pilipinong negosyante, expat, professionals at entrepreneurs sa Shanghai. Sa temang Bridging Businesses, Capitalizing Growth, inanyayahan ng founders sa inagural event ng PhilCham ang mga eksperto upang maglahad ng kaalaman, karanasan at inspirasyon sa mga taong nais na magtagumpay sa negosyo.
Mga founders ng PhilCham Shanghai, mula kaliwa: Michelle Nocom, Eric So, Raquel So, Carol Ong, Jun Gonzales, Geoff Lim, Joe Santiago
Gaya ng sinabi ni Carol Ong, hindi basta basta ang pagbuo ng ganitong grupo. Pero ayon kay Michelle Nocom co-founder ng PhilCham naisakatuparan ito dahil sa komon nilang pananaw at adhikain. Saad niya nais nilang isulong ang growth mindset sa mga kababayang nasa Shanghai. At mas pagandahin pa ang maganda nang impression ng mga Tsino sa mga Pilipino.
Binanggit ni Carol Ong sa kanyang welcome remarks ang 3 katanungan na nais bigyang tugon ng unang event ng PhilCham. Ang una ay: Saan maaring maglagak ng puhunan? Ikalawa: Paano makakukuha ng puhunan. At ang ikatlo: Sino ang mga taong maaring maging halimbawa at pagkunan ng inspirasyon?
Si Richard Vicencio
Para sa ikatlong tanong ibinahagi ni Richard Vicencio, star ng Ms. Saigon, kilalang media personality at iginagalang na entertainment industry professional sa Tsina ang kanyang pananaw hinggil sa pagkamit ng tagumpay. Aniya kailangan ang pagkabigo upang magtagumpay. Ang failure o pagkabigo ang pillar ng tagumpay dahil dito nagmumula ang experience, resilience at strength.
Si Consul Mario Tani
Katuwang ng PhilCham ang Philippine Trade and Investment Center sa Shanghai. Sa event ibinahagi ni Consul Mario Tani ang magandang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas, na ayon sa datos ng 2018, ang bansa ay ikatlong fastest growing economy in East Asia. Ibinahagi rin niya ang mga industriya o sektor na magandang paglagakan ng puhunan gaya real estate, transport, payment at online retail.
Si Chris Lim
Hindi madali ang magsimula ng negosyo at ibinahagi ni Chris Lim, Director for ASEAN, ng Philippine Franchise Association ang ilang mahahalagang tips gaya ng Think big. Start small. Grow fast. Dagdag niya ang franchising ay isang mabisang paraan upang mapalago ang negosyo. Handa ang kanyang tanggapan upang bigyang tulong ang mga Pinoy na nais magsimula ng kanilang franchising business.
Narito naman ang mga reaksyon ng ilang Pinoy na dumalo sa event.
Si Edison Bonjibod
Ani Edison Bonjibod na mula sa isang semiconductor firm sa Shanghai, "Magandang event ito especially if you're aspiring to be an entrepreneur. Knowing what sector will be the next big thing, not only in the Philippines but in ASEAN and in other booming economies." Nakatulong aniya pa ang impormasyon hinggil sa mga negosyo centers, pagkuha ng mentors at kung paano makikipag usap sa mga venture capitalists. Ang mga payo saad niya ay maipapasa sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya.
Si Herbert Recato
Si Herbert Recato ay isang landscape designer. Madami ng napakinggang mentors at coach si Herbie hinggil sa pagnenegosyo. Pero tumatak sa kanya ang advice na "Start small but dream big and look at the long term." Ganito ang gusto niyang gawin at ito rin ang diskarte aniya sa pagpasok sa paper assets at real estate.
Si Scott Sy
Hinggil naman sa hangaring gawing isang brand ang Filipino bilang mga magagaling na negosyante, sinabi ni Scott Sy ng HSBC "That's a noble aim. I think the Filipino brand is underrated because when people get to know Filipinos better, they start to realize oh this is not what i thought the Philippines was. This is not what I read in the news. So we need to get that brand more exposed. Thats what Filipinos deserve.'
Pakinggan ang kabuuan ng mga panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina kasama si Mac Ramos.