Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina: hindi paluluwagin ang patakaran sa pangangalaga sa kapaligiran

(GMT+08:00) 2019-02-15 11:44:50       CRI2019-02-15 11:44:51

Ipinahayag Huwebes, Pebrero 14, 2019, ni Bie Tao, Direktor ng Departamento ng Batas at Pamantayan ng Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na sa ilalim ng kalagayan ng pagbagal ng kabuhayang Tsino, hindi paluluwagin ng Tsina ang mga patakaran at gawain ng pangangalaga sa kapaligiran.

Isinalaysay ni Bie na mula noong 2016 hanggang 2017, naisakatuparan ang pagsusuperbisa ng pamahalaang sentral sa kalagayan ng pangangalaga sa kapaligiran sa lahat ng 31 lalawigan at munisipalidad sa buong bansa, at nalutas ang mahigit 70,000 namumukod na problemang pangkapaligiran.

Salin: Vera