Pagsusumite ng mga larawan hinggil sa BRI, simula na

(GMT+08:00) 2019-02-28 15:43:45       CRI2019-02-28 15:43:46

Pagsusumite ng mga larawan hinggil sa BRI, simula na

Sinimulan Pebrero 28, 2019, ang pagsusumite ng mga larawan para sa aktibidad sa ilalim ng tema ng "Belt and Road." Isinumite ang mga akda sa CRI Online sa pamamagitan ng multi-language platform, social media account sa loob at labas na bansa, at platform ng mga partner sa ibayo dagat sa buong daigdig.

Ang layonin ng aktibidad na ipakita ang bunga ng konstruksyon ng Belt and Road Initiative (BRI), diwa ng Silk Road na may nukleong kooperasyon, kapayapaan, pagpaparaya at pagbubukas at pagiging inklusibo, pag-aaral sa isa't isa, mutuwal na kapaginabangan na win-win na resulta, mga pagbabago dahil sa BRI sa iba't ibang lugar, pagpapalitang pangkaibigan ng mga mamamayan, at mga katutubong kultura sa iba't ibang lugar.

Idinaraos ang aktibidad mula Pebrero 28 hanggang Abril 10. Ang Pebrero 28 hanggang Marso 28 ay yugto ng pagsusumite ng mga akda. Pipiliin ang mga mananalo sa pamamagitan ng diskusyon ng mga eksperto at online na pagboto mula Marso 29 hanggang Abril 9, at ipapalabas ang resulta sa Arbil 10.

Maaaring isumite ng mga kalahok ang kanilang mga larawan sa pamamagitan ng email: withyou2019@qq.com o i-post sa social media platform @ CRI Filipino Service. Para sa mas maraming impormasyon, magtungo lang sa

www.cri.cn/withyou

Salin:Lele