Ika-2 Lancang-Mekong Week, binuksan

(GMT+08:00) 2019-03-15 19:19:36       CRI2019-03-15 19:19:37

Ika-2 Lancang-Mekong Week, binuksan

Binuksan kahapon, Huwebes, ika-14 ng Marso 2019, sa Vientiane, Laos, ang Ika-2 Lancang-Mekong Week.

Sa ilalim ng pagtataguyod ng Ministring Panlabas ng Laos at Embahada ng Tsina sa bansang ito, gagawin sa linggong ito ang mga aktibidad na gaya ng talakayan hinggil sa Lancang-Mekong Cooperation, pagtatanghal ng mga kuhang-larawan, pagpapalabas ng mga maikling pelikula, laro ng putbol, at iba pa, para palalimin ang pagkaalam ng publiko sa Lancang-Mekong Cooperation.

Salin: Liu Kai