Poverty alleviation success, magandang kuwento ng karapatang pantao — Le Yucheng

(GMT+08:00) 2019-03-16 15:23:52       CRI2019-03-16 15:23:53

Geneva — Ipinahayag Biyernes, Marso 15, 2019, ni Le Yucheng, Puno ng Delegasyong Tsino at Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang target ng Tsina ay pagsasakatuparan ng komprehensibong pagbabawas ng karalitaan hanggang taong 2020, at pagpawi nang lubos sa absolute poverty ng 1.4 bilyong populasyong Tsino. Ito aniya ay magiging bagong dakilang himala sa kasaysayan ng pag-unlad at pagbabawas ng karalitaan sa buong mundo. Ito ay pinakamalaking human rigts project na nagsisilbing pinakamahalagang ambag ng Tsina para sa usapin ng karapatang pantao sa daigdig, at pinakamagandang kuwento sa usaping ito, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng