Baha, naganap sa Indonesya

(GMT+08:00) 2019-03-18 09:38:43       CRI2019-03-18 09:38:44

Ayon sa National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia, naganap kamakalawa, ika-16 ng buwang ito ang baha sa Papua, lalawigan sa gawing silangan ng bansa. Ikinamatay ito ng 70 katao, at 43 ang nsugatan. Samantala, 4,150 mamamayan ang apektado ng kalamidad.

Pagkaraang maganap ang kalamidad, ipinahayag ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya ang pakikiaramay sa mga biktima. Sa kasalukuyan, nagbibigay-tulong ang ibat-ibang sektor ng lipunan para sa gawaing-panaklolo sa purok-kalamidad.