Marian Brina: Montessori education sa Tsina
|
Ayon sa datos na inilabas ng media kamakailan, sa buong bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Tsina, 1/3 sa kanila ay mga guro. Ang English training market sa bansang ito ay umaabot sa US$72B. Ang nasabing kita ay mula sa 50,000 training institutions na nagsisilbi sa 300 million mga Tsino na naniniwalang kailangan nilang matutong magsalita ng wikang Ingles.
Si Marian Brina
2008 tinaggap ni Marian Brina ang alok para magturo sa Tsina. Sa kasalukuyan nagtatrabaho si Marian bilang Academic Coordinator sa Eton Kids. Ang Eton Kids ay pinakalamaking Montessori Education group sa Tsina.
Ibinahagi ni Marian Brina sa kanyang panayam kay Mac Ramos kung ano ang dahilan kung bakit niya piniling manatili sa Tsina at kung ano ang pangarap niyang itatag pagbalik niya sa Pilipinas. Ang lahat ng ito sa programang Mga Pinoy sa Tsina.