MOU, nilagdaan ng CMG at Italian Football Association para mapahigpit ang kooperasyon sa putbol

(GMT+08:00) 2019-03-25 17:19:42       CRI2019-03-25 17:19:43

MOU, nilagdaan ng CMG at Italian Football Association para mapahigpit ang kooperasyon sa putbol

Nilagdaan Marso 24, 2019, sa Rome, Italya ang memorandum ng kooperasyon ng China Media Group (CMG) at Italian Football Association para mapasulong ang kaunlaran ng palakasan at mapalawak ang kultura ng putbol sa Tsina at Italya.

Ayon sa MOU na nilagdaan nina Shen Haixiong, Presidente ng CMG at Gabriele Gravina, Presidente ng Italian Football Association, may pag-asang maigiging regular na feature sa TV ng Tsina sa susunod na tatlong taon ang mga kompetisyon ng Italian Serie A League.

Bukod dito, magkakaroon din ng kooperasyon ang dalawang panig sa pagsasanay ng mga putbolista, tagapamahala at paaralan, pagdaraos ng kompetisyong pangkaibigan sa pagitan ng dalawang bansa, digitalization at paggagalugad ng mga produkto, at pagtatayo ng plataporma ng pagpapalitan ng mga tauhan.

Salin:Lele