Perya sa kalakalan at pamumuhunan ng Tsina at Biyetnam, idinaos sa Beijing

(GMT+08:00) 2019-03-26 14:26:05       CRI2019-03-26 14:26:06

Perya sa kalakalan at pamumuhunan ng Tsina at Biyetnam, idinaos sa Beijing

Idinaos Marso 25, 2019, ang perya sa kalakalan at pamumuhunan ng Tsina at Biyetnam. Itinaguyod ito ng China General Chamber of Commerce (CGCC), kasama ng Embahada ng Biyetnam sa Tsina at China-ASEAN Business Council (CABC).

Perya sa kalakalan at pamumuhunan ng Tsina at Biyetnam, idinaos sa Beijing

Sa kanyang talumpati, winika ni Jiang Ming, Puno ng CGCC na ang peryang ito ay nag-aalok ng plataporma ng pagpapalitan at kooperasyon para sa mga bahay-kalakal ng Tsina at Biyetnam. Aniya, ang pagpopromote ng mga proyekto sa pamamagitan ng pagdaos ng may kinalamang aktibidad sa mga maunlad na rehiyon ng Tsina ay magpapasulong ng pamumuhunan sa isa't isa.

Salin:lele