Offshore Fixed Pilot Station, naitayo sa Yangon Port sa tulong ng kompanyang Tsino

(GMT+08:00) 2019-04-01 11:02:18       CRI2019-04-01 11:02:19

Sa tulong ng China Harbours Engineering Company, naitayo kamakailan ang isang Offshore Fixed Pilot Station sa Yangon Port, Myanmar.

Dumalo sina Thant Sin Maung, Ministro ng Komunikasyon at Transportasyon ng Myanmar, at Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, sa seremonya ng pagtatapos ng konstruksyon na idinaos kamakalawa, Sabado, ika-30 ng Marso 2019, sa Yangon.

Kapwa nila binigyang-diin ang kahalagahan ng naturang pasilidad, at ipinahayag ang positibong pagtasa sa kooperasyon ng dalawang panig sa konstruksyon nito.

Ang naturang pilot station ay magbibigay-patnubay sa mga malaking bapor, para mas mabilis na pumasok at lumabas ang mga ito sa Yangon Port. Sa pamamagitan nito, magiging mas ligtas ang paglalayag ng mga malaking bapor sa Yangon Port, at patataasin din ang episiyensiya ng takbo ng puwertong ito.

Salin: Liu Kai