Tsina at Pilipinas: pagkakaiba sa South China Sea, hindi dapat makaapekto sa kooperasyon

(GMT+08:00) 2019-04-04 18:19:23       CRI2019-04-04 18:19:24

Sinabi ngayong araw, Huwebes, ika-4 ng Abril 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mabunga ang Ika-4 na Pulong ng Mekanismo ng Bilateral na Konsultasyon ng Tsina at Pilipinas hinggil sa South China Sea (BCM), na idinaos kahapon sa Manila.

Ayon kay Geng, muling tiniyak ng Tsina at Pilipinas, na ang kanilang pagkakaiba sa South China Sea ay hindi dapat makaapekto sa kooperasyon ng dalawang panig sa ibang aspekto. Kapwa rin ipinahayag ng dalawang panig, na ang mga hidwaan ay dapat mapayapang lutasin ng mga soberanong bansang may direktang kinalaman sa mga isyu, sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian at talastasan, dagdag ni Geng.

Salin: Liu Kai