Pangalawang tagapangulo ng CPPCC, nakipagtagpo sa Prinsesang Thai

(GMT+08:00) 2019-04-04 17:40:45       CRI2019-04-04 17:40:46

Beijing, Tsina—Nakipagtagpo Huwebes, Abril 4, 2019 si Li Bin, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), kay Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand. Kapuwa binigyan nila ng positibong pagtasa ang relasyong Sino-Thai. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng kultura, edukasyon, turismo, siyensiya't teknolohiya at iba pa.

Salin: Vera