Tsina at Thailand, itinatag ang sentro ng pagsasanay ng mga teknisyan para sa high-speed railway

(GMT+08:00) 2019-04-05 15:10:55       CRI2019-04-05 15:10:56

Sa ilalim ng kooperasyon ng Tsina at Thailand, pormal na naitatag kamakalawa, Miyerkules, ika-3 ng Abril 2019, sa Ban Phai, bayan sa hilagang silangang Thailand, ang sentro ng pagsasanay ng mga teknisyan sa larangan ng high-speed railway.

Ang naturang pasilidad na tinatawag na Lu Ban High-Speed Railway Institute, ay magkasamang itinataguyod ng Banphai Industrial and Community Education College ng Thailand at Wuhan Railway Vocational College of Technology ng Tsina. Ito ang kauna-unahang ganitong sentro sa buong mundo.

Salin: Liu Kai