Speaker Gloria Macapagal Arroyo: mga pahayag hinggil sa 2019 BFA
|
Idinaos mula Marso 26 hanggang 29, sa Boao, probinsyang Hainan ng Tsina, ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA). Ang tema ngayong taon ay "Komong Kapalaran, Komong Aksyon, Komong Kaunlaran."
Pinagtuunan ngayong taon ang open economy, multilateral and regional cooperation and innovation driven development. Tinalakay ng mga dumalo ang kasalukuyang kabuhayang pandaigdig para hanapin ang kalutasan sa mga kinakaharap na hamon ng globalisasyon.
Sa kasalukuyan, ang BFA ay nagsisilbing mataas na platapormang pandiyalogo para mapasulong ang integrasyong panrehiyon ng Asya. Pinagsasama rin nito ang malawakang komong palagay, at itinatatag ang komunidad ng komong kapalaran.
Bilang unang mahalagang aktibidad pandiplomatiko na iho-host ng Tsina sa 2019, lumahok sa BFA ang mahigit 2,000 panauhin mula sa mahigit 60 bansa na kinabibilangan ng maraming dating politikong dayuhan, mahigit 50 opisyal na ministeriyal at namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig, mahigit 180 puno ng mga bahay-kalakal, at iba pa.
Kinatawan ng Pilipinas sa 2019 BFA si Speaker Gloria Macapagal Arroyo ng Mababang Kapulungan.
Pinalad at nabigyan ng one on one interview ang China Media Group Filipino Service. Pakinggan po natin ang panayam ni Vera kay Dr. Arroyo sa programang Mga Pinoy sa Tsina.