Selebrasyon ng Songkran Festival, sinimulan sa Thailand

(GMT+08:00) 2019-04-14 16:59:48       CRI2019-04-14 16:59:49

Sinimulan kahapon, Sabado, ika-13 ng Abril 2019, sa iba't ibang lugar ng Thailand, ang 3-araw na selebrasyon ng Songkran Festival, pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan sa bansang ito.

Ang Songkran Festival ay may nagkakaibang lokal na tawag; ito ang tradisyonal na Bagong Taon sa ilang lugar sa Timog-silangang Asya at Timog Asya. Masiglang ipinagdiriwang ang kapistahang ito ng mga mamamayan sa Thailand, Laos, Myanmar, Kambodya, Sri Lanka, at pati rin ng lokal na etnikong grupo sa Xishuangbanna, lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina.

Salin: Liu Kai