Direktang flight sa pagitan ng Changsha at Brunei, naisaoperasyon

(GMT+08:00) 2019-04-17 15:49:31       CRI2019-04-17 15:49:32

Martes, Abril 16, 2019, isinaoperasyon ng Royal Brunei Airlines ang direktang flight sa pagitan ng Changsha, Lalawigang Hunan ng Tsina, at Bandar Seri Begawan ng Brunei. Ang Changsha ay naging unang lunsod sa gitnang Tsina na may direktang flight sa 27 lunsod ng 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang mga ruta sa pagitan ng Changsha at 10 bansang ASEAN ay makakapagpasulong sa pragmatikong kooperasyon ng gitnang Tsina at ASEAN sa mga aspektong gaya ng kalakalan, pamumuhunan, pagpapalitang kultural, turismo at iba pa.

Salin: Vera