ABS-CBN at Manila Standard Journos, namangha sa new media technology ng Tsina
|
5G, ito ang buzz word ngayon sa Tsina. Teknolohiyang inaasahang magbabago sa galaw ng media sa higanteng bansang ito. Ang 5G o 5th Generation ay mag-aalok ng mas mabilis na plataporma para sa video traffic na kinabibilangan ng video streaming, video conferencing at virtual reality. Tinatayang mangunguna ang Tsina sa paggamit nito ngayong 2019.
Sina Robert Gonzales Mano (kaliwa) ng ABS-CBN at Macon Araneta (kanan) ng Manila Standard
Isang delegasyon ng mga media professionals mula sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang inanyayahan sa Tsina upang maging saksi sa mga proyektong nagsusulong sa paggamit 5G technology.
Kabilang sa delegasyong Pilipino na dumalo sa media seminar ay sina Robert Gonzales Mano ng ABS CBN at Macon Araneta ng Manila Standard. Sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina, natalakay ang mga paksang gaya ng cyber bullying, fake news, issues sa ethics ng online reporting at marami pang maiinit na usapin kaugnay ng pamamahayag sa Tsina at Pilipinas.