Bapor ng hukbong pandagat ng Singapore, dumating sa Tsina para lumahok sa selebrasyon ng PLA Navy

(GMT+08:00) 2019-04-19 15:51:28       CRI2019-04-19 15:51:29

Bapor ng hukbong pandagat ng Singapore, dumating sa Tsina para lumahok sa selebrasyon ng PLA Navy

Dumaong ngayong araw, Biyernes, ika-19 ng Abril 2019, sa puwerto sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, ang frigate RSS Stalwart ng hukbong pandagat ng Singapore.

Ito ang unang dayuhang bapor na dumating sa Tsina, para lumahok sa multinasyonal na aktibidad ng pagpapalitan ng hukbong pandagat, na idaraos mula ika-22 hanggang ika-25 ng buwang ito.

Ang naturang aktibidad ay bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA) Navy ng Tsina. Sa paanyaya ng panig Tsino, lalahok dito ang mga delegasyon ng hukbong pandagat at mahigit 10 bapor ng mahigit 60 bansa.

Salin: Liu Kai