Magkasanib na pagsasanay militar ng mga hukbong pandagat ng Tsina at Thailand, nakatakdang idaos

(GMT+08:00) 2019-05-02 15:09:20       CRI2019-05-02 15:09:21

Nakatakdang simulain ngayong araw, Huwebes, ika-2 ng Mayo 2019, sa karagatang malapit sa Zhanjiang, lunsod sa timog Tsina, ang magkasanib na pagsasanay militar ng mga hukbong pandagat ng Tsina at Thailand, na may code name na "Blue Strike-2019."

Tatagal hanggang ika-8 ng buwang ito ang naturang pagsasanay na binubuo ng dalawang yugto sa baybayin at dagat.

Nauna rito, dumaong kahapon sa puwerto ng Zhanjiang ang dalawang frigate na Naresuan at Bangpakong ng hukbong pandagat ng Thailand na kalahok sa pagsasanay. Idinaos naman ng panig Tsino ang seremonya ng panalubong sa mga bapor at marinong Thai.

Salin: Liu Kai