Pangulong Tsino, nagpadala ng mensahe bilang pagbati sa koronasyon ni Haring Maha Vajiralongkorn ng Thailand

(GMT+08:00) 2019-05-04 15:40:40       CRI2019-05-04 15:40:41

Sabado, Mayo 4, 2019, nagpadala si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe kay Haring Maha Vajiralongkorn ng Thailand, bilang pagbati sa kanyang koronasyon.

Anang mensahe, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, at kanyang mismo, nagpadala si Xi ng taos-pusong pagbati kay Haring Vajiralongkorn at mga mamamayang Thai. Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai, at nakahandang magsikap, kasama ng Haring Thai, para patuloy na paunlarin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, palalimin ang kooperasyon sa magkasamang pagtatatag ng "Belt and Road," at pasulungin ang pagtatamo ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa ng mas malaking progreso.

Salin: Vera