Idinaos kahapon, Sabado, ika-4 ng Mayo 2019, sa Bangkok, Thailand, ang seremonya ng koronasyon ni Haring Maha Vajiralongkorn ng bansang ito.
Ito ang pormal na pag-akyat sa trono ng 66-taong gulang na haring Thai.
Isinilang noong ika-28 ng Hulyo 1952 si Vajiralongkorn. Siya ang tanging anak na lalaki nina dating Haring Bhumibol Adulyadej at Konsortong Reyna Sirikit Kitiyakara.
Salin: Liu Kai