Ipinahayag Mayo 7, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbati kay Laurentino Cortizo Cohen sa kanyang pagkakahalal bilang pangulo ng Panama. Nananalig aniya ang Tsina, na sa ilalim ng pamumuno ni Cochen, matatamo ng Panama ang bagong bunga.
Sinabi ni Geng na ang Panama ay mahalagang bansa sa gitnang Amerika. Noong 2017, itinatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Panama batay sa patarakang Isang Tsina. Nitong 23 buwang nakalipas, natamo ang progreso ng relasyon ng dalawang bansa, at mabunga ang kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Salin:Lele