Resulta ng halalan ng Thailand, inilabas

(GMT+08:00) 2019-05-10 12:18:06       CRI2019-05-10 12:18:07

Noong ika-7 at ika-8 ng Mayo, 2019, magkahiwalay na inilabas ng Komisyon ng Halalan ng Thailand ang 349 na nahalal na miyembro ng Mababang Kapulungan ng Pambansang Asembleya ng Thailand, at 149 na kandidato na nasa party-list.

Ang tatlong partido na nasa unang tatlong puwesto ay Pheu Thai (For Thais) Party, Palang Pracharath (Power of People's State) Party, at Future Forward Party.

Ang Pheu Thai Party na nasa unang puwesto ay may malapit na ugnayan kay Thaksin Shinawatra, dating Punong Ministro ng Thailand. Ang Palang Pracharath Party na nasa ikalawang puwesta ay sumusuporta naman kay Prayuth Chan-ocha, kasalukuyang Punong Ministro ng Thailand samantala ang Future Forward Party ay partidong oposisyon.

Salin:Lele