Ika-2 ospital bilang palatandaan sa pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar, pinasinayaan

(GMT+08:00) 2019-05-11 15:57:05       CRI2019-05-11 15:57:06

Idinaos kahapon, Biyernes, ika-10 ng Mayo 2019, sa Natmauk, lalawigang Magway ng Myanmar, ang seremonya ng pasinaya ng isang ospital pagkaraan ng proyekto ng renobasyong ini-sponsor ng Embahada ng Tsina sa Maynmar at Myanmar-China Exchange and Cooperation Association.

Sa seremonya, sinabi ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, na nakikita sa iba't ibang aspekto ang papel ng pagtutulungan ng Myanmar at Tsina, at dapat walang humpay na palakasin ang kooperasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na ang naturang ospital ay naging ika-2 ospital bilang palatandaan sa pagkakaibigan ng dalawang bansa, pagkaraan ng Daw Khin Kyi Hospital na naitayo 2 taon ang nakaraan sa Yangon.

Salin: Liu Kai