2 milyong turistang Tsino, hangad ng Pilipina
|
Upang higit pang pasiglahin ang ugnayang panturismo ng Pilipinas at Tsina, lumalahok sa 15th China Outbound Travel & Tourism Market (COTTM) ang mga kinawan ng sektor ng turismo mula sa Pilipinas. 10 taong nang lumalahok ang Philippine Department of Tourism (PDOT) sa nasabing tourism expo ayon kay Tito Umali, Tourism Attache ng Pilipinas. Sa COTTM 2019 na ginanap mula Abril 15 hanggang Abril 17 sa Agricultural Exhibition Center sa Beijing, 23 kumpanyang Pilipino ang lumahok na kinabilangan ng resorts, hotels, travel agencies at airlines.
Si Doris Ramos Aparejado (kaliwa), opisyal ng Tourism Promotions Board Philippines para sa Tsina, kasama si Tito Umali(gitna), Tourism Attache ng Pilipinas.
Masaya ring ibinalita ni Ginoong Umali ang muling paglulunsad ng It's More Fun in the Philippines campaign na nakatuon sa "Sustainable and Responsible Tourism." Ang mas maraming detalye hinggil dito ay ibinahagi niya sa interview ng Mga Pinoy sa Tsina.
Si Doris Ramos Aparejado (kaliwa), kasama ang Country Manager ng Philippine Airlines na si Teresa Tan (gitna).
Mapapakinggan din sa programa ang panayam sa bagong talagang opisyal ng Tourism Promotions Board Philippines para sa Tsina na si Doris Ramos Aparejado. Kwento niya, "Napaka importante ng China sa Philippine tourism dahil ang China ay napakalaki ng populasyon. Last year ang outbound ng China reached 162 million. This year outbound travellers from China is forecasted to reach 180 million." Dahil sa laki ng bilang na ito, tinatayang ang Tsina ay magiging pangunahing pagmumulan ng tourist traffic at revenue ng mga bansang Asyano aniya pa. Ayon kay Aparejado, target ng Pilipinas na paabutin sa 2 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino na dadalaw sa bansa sa taong 2020. Alamin ang strategies at target markets ng opisina ni Ginang Aparejado sa Mga PInoy sa Tsina.