Idinaraos Huwebes, Mayo 16, 2019 sa Beijing ang International Conference on Artificial Intelligence in Education. Nagpadala rito ng liham na pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na ang Artificial Intelligence (AI) ay mahalagang lakas-panulak na namumuno sa bagong round ng reporma sa siyensiya't teknolohiya at renobasyon ng industriya. Malaliman aniya nitong binabago ang paraan ng produksyon, pamumuhay at pag-aaral ng mga tao, at pinapasulong ang pagdating ng matalinong panahon ng lipunan ng sangkatauhan. Ang pagsasanay ng mga high-end AI talent na may kakayahan sa inobasyon at diwa ng kooperasyon ay mahalagang tungkulin ng edukasyon, dagdag niya.
Anang liham, nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa sa daigdig, na pag-ukulan ng pansin ang mga isyung may kinalaman sa pag-unlad ng AI; malalimang talakayin ang bagong kaisipan at hakbangin sa pag-unlad at inobasyon ng edukasyon, sa kondisyon ng mabilis na pag-unlad ng AI; at magkakapit-bisig na pasulungin ang pagtatatag ng community with a shared future for mankind.
Salin: Vera