Thailand, maaapektuhan ng alitang pangkalakalan ng Tsina't Amerika: dalubhasang Thai

(GMT+08:00) 2019-05-20 11:47:28       CRI2019-05-20 11:47:29

Ang kasalukuyang alitang pangkalakalan ng Tsina't Estados Unidos ay nakatawag ng malawak na pansin ng iba't ibang sektor ng Thailand, na gaya ng pamahalaan, bahay-kalakal, media, at iba pa.

Ipinahayag ni Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro sa mga Suliraning Pangkabuhayan ng Thailand na maaapektuhan ng alitang Sino-Amerikano ang kabuhayan ng daigdig, at hindi rin maiiwasang maapektuhan nito ang kabuhayan ng kanyang bansa. Ayon sa pagtaya ng Ministri ng Komersyo ng Thailand, dahil sa alitang pangkalakalan ng dalawang pinakamalaking ekonomiya ng daigdig, ang maaapektuhang pambansang pagluluwas ay katumbas ng 2.2% hanggang 2.6% ng kabuuang pagluluwas ng bansa noong 2018.

Salin: Jade
Pulido: Rhio