Joko Widodo, muling naihalal bilang pangulong Indones

(GMT+08:00) 2019-05-21 15:49:35       CRI2019-05-21 15:49:36

Kaninang madaling araw, Mayo 21 (local time), 2019, pormal na idineklara ng Lupong Elektoral ng Indonesia si Joko Widodo, kasalukuyang pangulo ng bansa, bilang panalo sa pambansang halalan. Ito ang ikalawang beses na pagkahalal ni Joko bilang pangulo na may terminong limang taon.

Ayon sa pagtaya, manunumpa sa tungkulin si Joko mula Agosto hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.

Nagsimula noong Abril 17 ang pambansang halalan ng Indonesia. Halos 190 milyong rehistradong botante ang bumoto sa 130 polling booths sa 34 na probinsya ng bansa.

Salin: Li Feng