Ika-44 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Thailand, ipagdiriwang sa Bangkok

(GMT+08:00) 2019-05-24 17:04:31       CRI2019-05-24 17:04:32

Ngayong taon ay ika-44 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Thailand, ika-20 anibersaryo ng pagkakabuo ng magkasanib na samahan ng mga alagad ng sining, at ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng sentro ng pagpapalitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa. Bilang pagdiriwang sa nasabing mga okasyon, isang serye ng mga aktibidad ang nakatakdang idaos simula Oktubre 26, 2019, sa Bangkok, Thailand.

Ito ang ipinahayag ng nasabing samahan at sentro sa preskon na ginanap sa Bangkok nitong Miyerkules, Mayo 22, 2019.

Salin: Jade

Pulido: Mac