Li Keqiang at Pangalawang PM ng Singapore, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-05-24 09:33:04       CRI2019-05-24 09:33:05

Li Keqiang at Pangalawang PM ng Singapore, nagtagpo

Kinatagpo Mayo 23, 2019, ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina si Heng Swee Keat, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Pinansyal ng Singapore.

Ipinahayag ni Li na sa kasalukuyan, mainam ang relasyon ng Tsina at Singapore, nakahandang patuloy na palalimin ang pagpapalitan sa mataas na antas ng dalawang panig, para mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong yugto. Binigyan-diin ni Li na pareho ang pakikitungo ng kanyang bansa sa mga kompanyang Tsino at dayuhan, winiwelkam ang pagpapalawak ng pamumuhunan ng mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina.

Ipinahayag ni Heng na nakahandang mapasulong ang pragmatikong kooperasyon ng Singapore at Tsina, at gumanap ng positibong papel sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Salin:Lele