Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

(GMT+08:00) 2019-05-24 14:42:36       CRI2019-05-24 14:42:37

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Dumalaw Mayo 23, 2019 sa China Radio International ang delegasyon ng Pinoy media bilang bahagi ng China 30 seminar na hatid ng National Radio and TV Administration ng Tsina.

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Director Vinci Beltran, Presidential Communications Operations Office (PCOO)

Ayon kay delegation head at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Director Vinci Beltran, "Sobrang importante nitong China 30 na program na ito dahil through this program natututunan namin, kaming mga delegates kung ano ba 'yong talagang kultura ng mga Tsino. Kasi kung hindi kami pumunta dito marami kaming mga misconception, mga maling pagkakakilala, pati sa kanilang ugali. Nabibigyan nito ng suporta yung pagtungo ni mahal na Pangulong Rodrigo Duterte dito sa China."

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Arnel Pineda, Editor ng iOrbit News

Malaking bahagi ng gumagandang relasyon ng Pilipinas at Tsina ang pagsigla rin ng people-to-people exchange. Kinilala ni Arnel Pineda, Editor ng iOrbit News na naka-base sa Pampanga ang papel ng media seminar sa pagsusulong ng connectivities o ugnayan sa mga tao. Ani Pineda, "This seminar provides a platform for mutual understanding and respect. It also opened our eyes in the realities in China. Napakaprogresibo pala ng bansang China."

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Florenda Querubin, Senior Reporter at Editor ng Sun Star Cebu

Bahagi ng seminar ang talakayan ng mga Pinoy media kasama ang mga kinatawan mula sa media, academe at kinatawan ng pamahalang Tsino. Isa sa mga paksang kanilang napag-usapan ang pagkakaroon ng malapit na koneksyon ng mga media ng iba't ibang bansa. Sinabi ni Florenda Querubin, Senior Reporter at Editor ng Sun Star Cebu sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino, "Essential sa panahong ito ang media convergence dahil sa rapid development ng digital technology." Importante rin aniyang laging bigyan ng updates ang mga tao upang mawala ang mistrust at lalong maunawaan ang mga hakbang mga pamahalaang Pilipino sa pakikipag-ugnayan nito sa Tsina.

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Rebecca Velasquez, Pulso ng Makabagong Caviteno

Isang maliit na provincial newspaper ang Pulso ng Makabagong Caviteno. Pinatatakbo ito ng publisher na si Rebecca Velasquez. Matapos mamangha sa laki ng CRI na may mahigit 60 lengwahe, hangad niyang magawa rin sa Pilipinas ang kasing laki at lawak na media service. Balak niyang pagbalik ng Cavite, ang pag-isipan ang pagbubukas ng online digital version ang kanilang dyaryo.

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Sa kanilang pagdalaw sa CRI, ipinakilala ni Jade Xian, Direktor ng Filipino Service ang maraming proyekto at aktibidad na nagsusulong ng mabuting pagkakaibigan sa pagitan ng mga Tsino at Pilipino. Samantalang ipinakilala naman ni Liao Jibo, Deputy Director ng CRI English Service at Direktor ng EZFM ang new media platform ng kanilang radyo.

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Dumating Mayo 15 sa Beijing ang 30 mamamahayag mula sa government at private media ng Pilipinas. Matapos ang isang linggong pananatili sa Beijing, pupunta ang grupo sa Shenzhen para sa pagpapatuloy ng kanilang media seminar. Inaasang babalik ang grupo sa Pilipinas sa katapusan ng Mayo.

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Media convergence, susi sa mas mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Wang Le