2 dokumento ng Ika-2 BRF, ipinamahagi ng UNGA bilang opisyal na dokumento

(GMT+08:00) 2019-05-25 17:33:18       CRI2019-05-25 17:33:19

Tinanggap kahapon, Biyernes, ika-24 ng Mayo 2019, ng United Nations General Assembly (UNGA), ang dalawang dokumento ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) bilang opisyal na dokumento ng UNGA. Ipinamahagi rin ang mga dokumentong ito sa mga kasaping bansa.

Ang naturang dalawang dokumento ay talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 BRF, at Joint Communique ng Leaders Roundtable ng porum.

Salin: Liu Kai