Tsina at Malaysia, isasakatuparan ang bagong pag-unlad ng mga industrial park

(GMT+08:00) 2019-05-30 18:15:55       CRI2019-05-30 18:15:56

Idinaos kahapon, Miyerkules, ika-29 ng Mayo 2019, sa Beijing, ang talakayan hinggil sa pandaigdig na kooperasyon sa production capacity sa mga industrial park ng Tsina at Malaysia.

Lumahok sa talakayan ang mga kinatawan mula sa mga pamahalaan at bahay-kalakal ng Tsina at Malaysia. Tinalakay nila ang hinggil sa paano isasakatuparan ang bagong pag-unlad ng China-Malaysia Qinzhou Industrial Park at Malaysia-China Kuantan Industrial Park sa ilalim ng Belt and Road Initiative.

Salin: Liu Kai